Sunday, 17 May 2020

HUWAG NATING PABAYAAN ANG ATING SIMBAHAN


HUWAG NATING PABAYAAN ANG ATING SIMBAHAN

Nananawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (Laiko) sa kapwa naming mga Katolikong mananampalataya na huwag nating pabayaan ang ating mga Parokya at mga gawain nito sa panahon ng pandemya at kuwarantin. Nasaksihan din po natin na kahit na walang koleksyon, nangunguna ang simbahan sa pagtulong sa mga nangangailangan, Katoliko man sila o hindi.

Sa nakalipas na walong linggo na walang mga Misa, hindi po tayo nagkaroon ng pagkakataong makapag-alay sa simbahan. Alam natin na ang lahat ng mga gawain at tungkulin sa ating mga Parokya at Diyosises ay nangangailangan ng ating tuloy-tuloy na pag-aambag. Hindi natin dapat makalimutan at mapabayaan ang mahalagang katungkulang ito.

Maari po bang tulad ng unang martir na si San Esteban, na binigyan nang katungkulang alagaan ang mga balo, ay maghanap din tayo ng mga Laykong tutulong sa pangangalaga ng pangangailangan ng ating simbahan? Maari din bang tulad ng mga unang Kristiyano, ay makita natin ang pangangailangan ng ating kapwa at itaguyod ang mga programa, ng ating Simbahan, para sa kanila?

Sa mga kapwa lingkod at lider ng mga Diocesan Councils of the Laity, National Lay Organizations at Parish Pastoral Councils- nananawagan po kami.

Humingi po kayo ng pahintulot sa inyong mga Obispo at Kura Paroko upang maipalaganap ang mensaheng ito. Manawagan tayo sa ating mga nasasakupan at pinag-lilingkurang kawan na tumulong. Turuan natin silang magpahatid ng mga alay at kontribyusyon sa regular (Monthly Church Support) na paraan. Magtalaga tayo ng mga Laykong magpapa-alala sa kanila at mga accounts (Banks, Pera Padala, Cebuana, GCASH) kung saan maari nilang ipadala ang mga ito.

Huwag po nating pabayaan ang ating simbahan!

Umaasa at nagpapasalamat po!

(Sgd.) ROUQUEL A. PONTE
Pangulo
Sangguniang Laiko ng Pilipinas 
14 Mayo 2020

Thursday, 14 May 2020

“GENERAL PROTOCOLS” HINGGIL SA MULING PAGBUBUKAS NG MGA SIMBAHAN PARA SA PAMPUBLIKONG PAGSAMBA AT “OMNIBUS GUIDELINES” UKOL SA PAGDIRIWANG NG MGA SAKRAMENTO AT SAKRAMENTALS SA ILALIM NG TINATAWAG NA “NEW NORMAL”


ADMINISTRATIBONG KAUTUSAN 2020-04

 

PETSA: 8 MAYO 2020


PARA SA: LAHAT NG MGA KLERO, RELIHIYOSO AT LAYKO


UKOL SA: “GENERAL PROTOCOLS” HINGGIL SA MULING PAGBUBUKAS NG MGA SIMBAHAN PARA SA PAMPUBLIKONG PAGSAMBA AT “OMNIBUS GUIDELINES” UKOL SA PAGDIRIWANG NG MGA SAKRAMENTO AT SAKRAMENTALS SA ILALIM NG TINATAWAG NA “NEW NORMAL”


Sa liwanag ng posibilidad na ang sibil na otoridad ay magbigay ng pagpayag hinggil sa “mass religious gatheringslalo’t higit ang pampublikong pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, dapat lang nating tanggapin ang katunayan na nalalagay tayo sa marahang pagtawid patungo sa tinatawag na “new normal”.  

 

Sakaling ang “post-quarantine new normal” ay magsimula, nararapat lamang natin muling ipahayag ang ating pagsunod sa mga panuntunan ng mga sibil na otoridad lalo’t higit ang mga kasalukuyang pinaiiral na pagbabawal na ipinapataw sa atin ng mga ehekutibong nasyonal at lokal.   Kailangan nating harapin ang sitwasyon sa konteksto pa rin ng pandemya ng COVID-19 at sa lente ng “pastoral charity upang pangalagaan at iligtas ang ating buhay at ang buhay ng ating kapwa. 

 

Habang nabubuhay tayo sa bagong sitwasyon dulot ng “new normal”, kailangan nating isagawa ang “transitory preparation” kaalinsabay ang mga pagbabago sa pagsasagawa ng liturhikal na pagdiriwang ng mga Sakramento at Sakramental sa “modified way” habang may pagsasaalang-alang sa mga naaakma at nararapat na batas ng Simbahan.  

 

Ako, sa bisa ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin bilang Tagangasiwang Apostoliko, ay naglalatag ng dekreto ukol sa “GENERAL PROTOCOLS” HINGGIL SA MULING PAGBUBUKAS NG MGA SIMBAHAN PARA SA PAMPUBLIKONG PAGSAMBA AT “OMNIBUS GUIDELINES” UKOL SA PAGDIRIWANG NG MGA SAKRAMENTO AT SAKRAMENTALS SA ILALIM NG TINATAWAG NA “NEW NORMAL”na ipatutupad na may kaisahan sa buong hurisdiksyong eklesiastiko ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan.

 

 

I. “GENERAL PROTOCOLS” HINGGIL SA MULING PAGBUBUKAS NG MGA SIMBAHAN PARA SA PAMPUBLIKONG PAGSAMBA

 

1. Kahit pa na ang pambansang IATF-MEID ay maglabas ang opisyal na pahayag na nagpapahintulot para sapagsasagawa ng “mass religious gatherings” sa buong lalawigan ng Silangang Mindoro, kung sakali na ang GCQ ay tanggalin pagkatapos ng Mayo 15 dahil sa kawalan na ng mataas na banta ng pagkalat ng COVID-19, ang mainam na pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ehekutibong lokal ay kinakailangan para sa layunin ng pagpapa-alamhabang nakalakip ang Dekreto na ito, at higit na mainam ang pagtitiyak sa pagkakaloob ng kapahintulutan.  

 

2. Ang “local Ordinary (i.e. Tagpangasiwang Apostoliko)pagkatapos isaalang-alang ang mga nasyonal at lokal na kautusan, direktiba at patakaran, ay siya lamang nararamtan ng tanging kapangyarihan upang mag-deklara ng ganap na araw nang pagbubukas ng katedral at simbahang pamparokya para sa pampublikong pagsamba at serbisyong liturhikal sa buong lokal na Simbahan. 
 
3. Ang mga kura paroko ay hindi makakapagpasiya sa kanilang ganang sarili at karaka-raka ukol sa muling pagbubukas ng kani-kanilang katedral at simbahan hanggat walang kaukulang pagsang-ayon buhat sa “local Ordinary” at mas mainam sa mga kinauukulang ehekutibong lokal.

 

4. Ang kura paroko ay kinakailangan na maunang ipagbigay-alam sa Tagpangasiwang Apostoliko ang matapat na pagsunod at masinop na pagtupad sa “Omnibus Guidelines” na nakahanay dito, na kinakailangang maisagawa para maiwasan ang pagwawalang-bahala ukol sa COVID-19 habang ang banta ng ikalawa at/o ikatlong bugso” nito ay ipinapalagay na mas masahol kesa sa una. 

 

5. Ang kura paroko ay dapat tiyakin na ang kabuuang lugar ng pagsamba ay “sanitized” bago pa man ang muling pagbubukas ng katedral at mga pamparokyang simbahan; maaring hingin ang tulong ng ahensya ng kalusugan nang pamahalaang lungsod o bayan at, kung hindi magagawa, ang parokya sa ganang sarili ang magsasagawa ng “sanitizing gamit ang anumang “DOH-prescribed chemical solution disinfectant.  

 

6. Ang kura paroko ay may mapanagutang tungkulin na bigyang-satispaksyon ang karapatan para sa inpormasyon ng mga mananampalataya na may kaugnayan sa Omnibus Guidelines na nakalatag dito, bago ang aktwal na pagpapatupad ng muling pagbubukas ng katedral at mga pamparokyang simbahan upang maiwasan ang kalituhan o kaguluhan.

 

7. Ang “local Ordinary”, kung sa kanyang kabatiran ay may kawalan pa ng sapat na kahandaan sa pagsasagawa ng kahit man lamang na mga “minimum requirements” sa “Omnibus Guidelines” na nakasaad dito, ay may kapangyarihang magpasiya na ipagpaliban ang muling pagbubukas ng katedral at mga pamparokyang simbahan sa ibang araw.  

 

 

II. “OMNIBUS GUIDELINES” PARA PAGDIRIWANG NG MGA SAKRAMENTO AT SAKRAMENTALS

 

1. Ang gabay mula sa “Holy See (CDWDS) at sa “Episcopal Conference (CBCP) anagsisilbing batayan ng mga gabay-liturhikal sa panahon ng COVID-19 subalit ang mga ito ay dapat ituring na pangkalahatang mungkahi lamang sapagkat ang huling pasiya ay nakasalalay sa mga “local Ordinary” ng kani-kanilang diyosesis.

 

2. Ang CDWDS aCBCP ay malinaw ng nagtuturo na ang “local Ordinary” ay may mandato na gumawa ng partikular na tumpok ng mga alituntunin, para sa magkakasama at nagkakaisang pagkilos, na naaayon sa batas at sa kanyaring madunong na kapasiyahan kung ano ang mas napapanahon at mas kinakailangan sa kanyang pinangangasiwaang lokal na Simbahan.  

 

3. Ang kanonikong legalidad ng naturang kakayahan ng isang “local Ordinary” ay dapat tingnan sa liwanag ng kanyang kapangyarihang ehekutibo at lehislatibo na nakabatay sa batas upang itaguyod ang disiplina, at isulong ang pagsasakatuparan ng lahat ng batas ng Simbahan, at nang ang mga abuso ay maiwasan na makapasok sa pang-simbahang disiplina, lalo’t higit ang may kinalaman sa pagdiriwang ng mga sakramento at sakramentals (tingnan cc. 391-392 CIC).

 

4. Ang Omnibus Guidelines na nakalatag dito ay nagsisilbing gabay sa mga pari, relihiyoso at layko na dapat isagawa sa kabuuang panahon ng krisis pandemya habang nasa ilalim ng tinatawag na post-COVID-19 quarantine’s new normal” kaakibat ang seryosong pagsasagawa ng “basic hygiene protocols” (i.e. use of face mask, practice of physical distancing, proper hand sanitizing, regular routine disinfection among others) na ipinatutupad ng mga otoridad sa pamahalaan at kalusugan. 

 

 

4.1BANAL NA EUKARISTIYA 

 

4.1.1 Ang pampublikong Misa sa Linggo at Araw-Araw ay gagawin lamang sa katedral at pamparokyang simbahan at iba pang may sapat na kaluwagang mga kapilya.  

 

4.1.2 Ang mga pampublikong Misa sa Kapistahan ng Patron, maging ang buwanang Misa sa mga kanayunang kapilya o “tuklongat maging ang mga Misa sa malls, opisina, eskwelahan at lansangan, ay mananatiling suspendido.  

 

4.1.3 Ang bilang ng pampublikong pagdiriwang ng Misa sa Linggo, “anticipated or vigil Mass” sa Sabado at maging sa “Weekdays”, ay dapat dagdagan para maiangkop sa maraming bilang ng maninimba habang may pagtiyak sa pagsasagawa ng itinakdang “basic hygiene protocols”.

 

4.1.4 Ang tinatawag na “anticipated or vigil Mass” ay may panukat simula sa pagtatapos ng kalagitnaang araw, ika-12:01 ng hapon nang Sabado; ang mananampalataya na dumalo sa anumang Misa mula sa naturang oras ay nakaganap na ng kanyang obligasyon ng Linggong pangilin. 

 

4.1.5 Ang Linggong pangilin ay dispensado para sa mga mananampalatayang nasa edad 60 pataas at mga nasa mataas na bantang pangkalusugan; sila ay pinapayuhan na manatili na lamang sa bahay at makiisa sa “virtual Mass online.”  

 

4.1.6 Ang mga simbahan ay dapat magtakda ng hiwalay na pintuang papasukan at lalabasan ng mga maninimba.    

 

4.1.7 Ang bawat maninimba ay dapat sumailalim sa “body temperature screening” mula sa may sapat na agwat gamit ang “thermal scanner” na hindi dapat lagpas sa 37.5 degrees Celsiuspara payagang makapasok. 

 

4.1.8 Ang hugasan ng kamay o estasyon ng paglilinis sa mga pintuang pasukan ay dapat nakahanda sa mga pasukang pintuan at obligado ang bawat maninimba na magsagawa ng paghuhugas ng kamay at paglilinis bago pumasok.  

 

4.1.9 Ang lahat na maninimba ay kinakailang nakasuot ng “face masks” o face shields” o cloth coveringsang polisiya na “no-mask, no-entry” ay dapat mahigpit na ipatupad. 

 

4.1.10 Ang pangkalahatang takda ng kabuuang bilang ng maninimba ay dapat naaayon sa laki ng simbahan at may ganap na pagtupad sa itinakdang agwat-pisikal.  

 

4.1.11 Ang mga upuan ay dapat lagyan ng marka upang ang lahat ng maninimba ay makaupo ng buong kaayusan at may sapat na pagitan sa bawat isa.

 

4.1.12 Ang upuan ng bawat maninimba ay dapat may pagitan na kahit man lang isang metro, mas mainam kung dalawang metro.   

 

4.1.13 Ang lugar na pwedeng tumayo matapos lahat ng upuan ay mapunuan ay mahigpit na hindi pahihintulutan.  

 

4.1.14 Ang “Missalette” ay hindi ipamamahagi sa mga maninimba; maaring magkanya-kanyang dala kung sadyang gugustuhin. 

 

4.1.15 Ang mga sobre para sa kahilingang-panalangin ay ilalagay sa mesa sa gawing likuran katabi ng hulugang kahon para sa pamisa at handog-pananalapi.   

 

4.1.16 Ang “alcohol o hand sanitizer” ay dapat nakalagay sa angkop na lalagyan malapit sa paring-tagpagdiwang at mga tagapanglingkod.  

 

4.1.17 Ang mga tagapaglingkod ay limitado sa dalawang “altar boys”, dalawang “lectors”, isang “cantor” at isang “accompanistsila ay pupwesto nang may sapat na agwat sa isa’t isa sa layong isang metro, mas mainam kung dalawang metro.   

 

4.1.18 Ang paring-tagpagdiwang ay hindi kinakailangang nakasuot ng “gloves” at “face mask” subalit dapat ay ganap na malayo ang kanyang agwat sa mga tagpaglingkod at maninimba.

 

4.1.19 Ang mga puwang-daanan ay dapat gawing para sa isang daanan lamang at may nakatakdang marka upang maiwasan ang salubungan at pagbabanggaan ng katawan sa isa’t isa.  

 

4.1.20 Ang mga sawsawan at sisidlan na pinglalagyan ng Banal na Tubig ay dapat manatiling walang laman.   

 

4.1.21 Ang mga Misa ay hindi dapat magsagawa ng malakihang pag-awit ng mga maninimba o koro; ang mga awit sa Misa ay lilimitahan sa mga awit na lubhang mahalaga sa liturhiya, gaya ng sumusunod: Gospel Acclamation, Sanctus, Memorial Acclamation, Great Amen.

 

4.1.22 Ang mga pari o diyakono ay magpahayag ng maikling homiliya, i.e. hindi lalampas sa sampung minuto, na hindi ipinapahamak ang mayamang nilalaman ng Mabuting Balita.     

 

4.1.23 Ang mga buslong-pangulekta ay dapat nakalagay sa may pintuang pasukan at hindi ipaiikot sa mga upuan; ang prusiyong ng pag-aalay ay hindi isasagawa. 

 

4.1.24 Ang pari at diyakono ay kinakailangang maghugas ng kamay bago magsagawa ng Paghahanda ng mga Alay.

 

4.1.25 Ang mga alay na tinapay at alak ay dapat nakalagay na sa ibabaw o malapit sa dambana bago magsimula ang Misa at tanging ang pari o diyakono, hindi ang “altar servers”, ang maaring humawak dito.   
4.1.26 Ang mga maninimba ay mahigpit na pinagbabawalang maghawak-kamay sa pag-awit o pagdarasal ng “Ama Namin.” 

 

4.1.27 Ang pakikipagkamay sa pagsasagawa ng Pagbati ng Kapayapaan ay mahigpit na ipinagbabawal. 

 

4.1.28 Ang mga maninimba na tatanggap ng Banal na Pakikinabang ay dapat gumawa ng maayos na pagpila sa tapat ng mga markadong kulay sa sahig habang lumalapit sa altar na may agwat na isang metro, mas mainam kung dalawang metro.  

 

4.1.29 Ang mga Banal na Ostiya ay dapat ilagak sa kamay lamang, hindi sa dila, subalit ang tuwirang paglapat ng mga kamay ay iiwasan.  

 

4.1.30 Ang pari at ang magsisipakinabang ay hindi magsasalita habang idinudulot ang Banal na Ostiya; ang pagsasabi ng Katawan ni Kristo” at ang “Amen” ay aalisin. 

 

4.1.31 Ang pari o diyakono o ministro ay dapat magsuot ng “disposable gloves” sa pagdudulot ng Banal na Ostiya. 

 

4.1.32 Ang mga maninimba sa katapusan ng Misa ay dapat hahayo ng “row-by-row” upang hindi magdulot ng biglaan at sabayang pagdaluyong sa paglabas ng simbahan. 

 

4.1.33 Ang mga maninimba ay pinagbabawalan na umakyat papalapit sa pari pagkatapos ng Misa upang huminigi ng pagbabasbas sa pamamagitan ng pagma-mano; ang pangkalahatang pagbabasbas sa Ritong Pangwakas ay sapat na.  

 

4.1.34 Ang tagapaglingkod, habang nakasout ng “face mask”, ay dapat na magsuot ng “disposable gloves” habang pinupuno ang mga lalagyan ng Banal na Ostiya, buong ingat na lilinisan ang mga sagradong kagamitan at tuyuin ng tuwalyang papel, at magkahiwalay na huhugasan ang mga ginamit na “linens”

 

4.1.35 Ang mga pampublikong lugar ng simbahan ay dapat isagawa ang regular at malimit na paglilinis at lahat ng ibabaw na bahagi ay pupunasan ng palagian sa buong araw nang “chemical disinfectant.

 

4.1.36 Ang “security service personnel, mas mainam kung mga lider at empleyadong layko, ay dapat na palakasin para matiyak ang istriktong pagtagubilin sa umiiral na mga patakaran nakasaad dito, supra.  

 

 

4.2    IBANG SAKRAMENTO AT MGA SAKRAMENTALS 

 

4.2.1 Ang Pagbibinyag, maramihan o isahan, ay pinapayagang ipagdiwang sa katedral at pamparokyang simbahan subalit limitado lamang sa hanggang sampu ang pinapayagan na dumalo kasama na rito ang batang bibinyagan, magulang ng bibinyagan at isang pares na ninong at ninang habang dapat tiyakin ang pagsunod sa basic hygiene protocols.” 

 

4.2.2 Ang Misa ng Pagiisang-Dibdib ay pinapayagang ipagdiwang sa katedral at pamparokyang simbahan subalit imitado lamang sa hanggang sampu ang pinapayagan na dumalo kasama na rito ang ikakasal, mga magulang ng ikakasal at dalawang saksi at habang dapat tiyakin ang pagsunod sa “basic hygiene protocols.” 

 

4.2.3 Ang Misa ng Patay ay pinapayagang ipagdiwang sa katedral at pamparokyang simbahan hangga’t ang bilang ng mga magsisimba ay naaayon sa laki ng simbahan habang dapat tiyakin ang pagsunod sa “basic hygiene protocols.” 

 

4.2.4 Ang Pagbabasbas ng Patay ay isasagawa na lamang muna sa sa panahon ng paglalamay sa bahay ng namatay o “funeral home” kasama ang mga naulilang pamilya at sa oras na ang mga tao ay maliit lamang ang bilang at habang dapat tiyakin ang pagsunod sa “minimum health standards.

 

4.2.5 Ang Pagkukumpisal ay isasagawa sa labas ng kumpesyunaryo, mas mainam na sa isang malaki at may labas-pasok na hanging silid na may agwat na isang metro sa pagitan ng pari at nagkukumpisal; ito ay maaari lamang gawin sa kumpesyunaryo kung may nakaharang na kurtina o “acetate film” sa pagitan ng pari at penitente.  Ang pagkukumpisal ng magkaharapan ay lubhang ipinagbabawal.

 

4.2.6 Ang Pagpapahid ng Langis at Pagbibigay ng Komunyon sa Maysakit ay isasagawa habang dapat tiyakin ang pagsunod sa “basic hygiene protocols”; ang paggamit ng bulak sa pagpapahid ng langis ay mananatili; ang pagsusuot ng “Personal Protective Equipment” (PPE) ay nararapat sa mga maysakit na may “respiratory-related illnesses and diseases.” 

 

4.2.7 Ang Paghahatid ng Komunyon sa Maysakit ng mga EMHC ay mananatiling suspendido; ito ay maaaring isagawa sa mga malusog subalit “home-bound” na nakikiisa sa “virtual Masses” habang isinasagawa ang nakatakdang rito pang-liturhikal.

 

4.2.8 Ang Unang Pakikinabang, Pagkukumpil at Ordinasyon sa Banal na Orden sa katedral at pamparokyang simbahan ay mananatiling suspendido.   

 

4.2.9 Ang Pagbabasbas ng mga tao at bagay ay isasagawa ayon sa nakatakdang rito pang-liturhikal subalit hindi gagamit ng banal na tubig.   

 

 

4.3 MGA IBA PANG KAUGNAY NA BAGAY

 

4.3.1 Ang katedral, pamparokyang simbahan at kapilya ay dapat panatilihing bukas sa buong maghapon upang ang mga tao ay makapasok at makasumpong ng kapanatagan sa tahimik na pananalangin subalit dapat isagawa ang “regular routine disinfecting”, ang paglalagay ng “alcohol or hand sanitizers” sa pintuan at ang pagganapsa “basic hygiene protocols”.  

 

4.3.2 Ang mga Adoration Chapels” ay muling bubuksanbasta may pagtitiyak na ang mga pintuan at bintana ay bukas para sa paglabas at pagpasok ng hangin habang dapat isagawa ang “regular routine disinfecting” at pagtupad sa “basic hygiene protocols”.    

 

4.3.3 Ang rekoleksyon, pilgrimahe, kumperensya, pagpupulong at iba pang mga katulad na gawain na lilikha ng malakihang pagtitipon ay mananatiling kanselado o ipagpapaliban sa ibang panahon.

 

4.3.4 Ang paghalik, pagpunas o paghipo sa mga sagradong imahe at estatuwa sa damabana, sa kabuuang bahagi ng simbahan ay mahigpit pa rin na pinagbabawal.   

 

4.3.5 Ang tinatawag na “virtual Masssa pamamagitan ng “social media online platforms, ay ipagpapatuloy subalit ito ay para lamang sa kapakinabangan ng mga mananampalataya na “restricted and quarantined” at pinagkakaitaan ng pisikal na kaisahan sa simbahan. 

 

4.3.6 Ang mga kura paroko ay dapat magbigay ng mataas na pagtatampok sa tinatawag na “domestic church” habang pinanatili at pinalalakas ang pagdiriwang ng buhay-pananampalataya sa tahanan sa pamamagitan ng pananalangin, pagbabasa ng Bibliya, pakikiisa sa “virtual Mass” at marami pang ibang katulad or kaugnay nito.   

 

4.3.7 Ang Oratio Imperata sa loob ng Misapagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang, at gayun din sa ika-8 ng gabi araw-araw kaalinsabay ang pagbatingaw ng kampana, ay ipagpapatuloy na gagawin

 

 

Ang “Administrative Decree” na ito ay magkakaroon ng bisa sa buong lokal na Simbahan ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan sa ika-15 ng Mayo 2020, Kapistahan ni San Isidro Labrador.   Lahat ng naunang dekreto, kautusan, mga tuntunin at regulasyon, at iba pang inilabas o bahagi ng mga iyon na hindi naaayon sa mga probisyon sa Dekreto na ito, ay binabawi rito, binabago, o sinususugan nang naaayon dito.  Sa kung anumang dahilan at ang anumang seksiyon or probisyon ng Dekreto na ito ay ipahayag na hindi sang-ayon sa batas o walang bisa, ang iba mga seksiyon o mga probisyon na naapektuhan mula roon ay mananatiling may ganap na puwersa at bisa.

 

Obstantibus contrariis.

 

(Sgd.) VERY REV. FR. NESTOR J. ADALIA

Tagapangsiwang Apostoliko ng Calapan