Thursday 14 May 2020

OPISYAL NA PAHAYAG SA LAHAT NG PAROCHIAL SCHOOLS NG APOSTOLIKO BIKARYATO NG CALAPAN (AVCPS)


OPISYAL NA PAHAYAG SA LAHAT NG PAROCHIAL SCHOOLS NG APOSTOLIKO BIKARYATO NG CALAPAN (AVCPS)

(May 6, 2020)

Sa mga tagapagtaguyod  ng Apostolic Vicariate of Calapan Parochial Schools (AVCPS) na binubuo ng mga mag-aaral, magulang, guro at kawani, mga paring direktor at kasapi ng Board of Trustees, mga empleyado ng Diocesan Education Office at sa lahat ng tagapagtangkilik ng Katolikong institusyon, narito ang mga mahahalagang paglalathala mula sa  AVCPS Office of the Superintendent:

1. Online Recorded Graduation(ORG)

Hinangad ng mga guro, kawani at pamunuan ng AVCPS na magdaos ng Physical Graduation ngunit dahil sa kasakuluyang global pandemic bunga ng lumalaganap na sakit na COVID-19, hindi tayo pinahihintulutan na magdaos ng mga pagtitipon na maglalagay sa panganib ng buhay at kalusugan ng mga tao lalo na ng mga mag-aaral. Matagal tayong naghintay upang makagawa ng isang final decision sapagkat isinaalang-alang natin ang damdamin at saloobin ng mga mag-aaral at magulang ng mga magsisipagtapos. Sa katotohanan, nagsagawa ng konsultasyon ang pamunuan ng bawat paaralan sa mga PTA officers upang pakinggan ang kanilang mga tinig hinggil sa taunang pagtatapos. Ngunit walang ibang nakitang mabuting paraan kundi gawin ang Online Recorded Graduation dahil nagpahayag ang Kagawaran ng Edukasyon na kahit muling magbukas ang klase, ito’y hindi nangangahulugan ng physical return o face-to- face interaction. Ang mga kaugnay na pahayag na ito ay ay isinapubliko nina Undersecretary Annalyn Sevilla noong Mayo 1, 2020 at DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones noong Mayo 5, 2020.

Narito ang iskedyul ng mga online recorded year-end rites:
Mayo 25 (Lunes)- Recognition day
Mayo 26 (Martes)- Moving-up Ceremony
Mayo 27 (Miyerkoles)- Graduation Rite

2.Opening of Classes

Noong nakaraang Mayo 5, 2020 sa pamamagitan ng isang press briefing, inihayag ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na ang klase sa Basic Education ay magbubukas sa Agosto 24, 2020. Samakatuwid, ang petsang nabanggit ay siya ring opisyal na pagbubukas ng klase ng AVCPS. Ngunit malinaw na hindi tahasang face-to-face classes.

3. Flexible Formative Learning Experience (FLEX)

Ang AVCPS ay nagkakaloob ng iba’t-ibang pamamaraan upang makapagpatuloy ng pag-aaral ang mga bata.. Ito ay tinatawag nating multi-modal learning approach. Ibig sabihin hindi lamang nakatuon sa online education kayat ‘yung ibang walang internet access ay siguradong makapagpapatuloy pa rin sa pag-aaral. Ang ibang pamamaraan ay blended learning o distance education, correspondence curriculum o module-based education.
Bukod sa paghahasa ng kaisipan, ang FFLEX program ay palalalimin sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa paghuhubog (formation). Kahit mag-iba ang uri ng pagtuturo at pagkatuto, mananatili ang mariing pagpapahalaga ng AVCPS sa values formation.

4. Stay Home Educational Enrichment Program (SHEEP)

Sa mga panahong hindi pa nagsisimula ang taong panuruan 2020-2021, stay home pa rin ang mga bata. Katulad ng mga tupa, sila ay hindi dapat mangalat. Sila ay nangangailangan ng pagpapastol ng mga magulang. Ngunit sa panahong ito, ang mga bata ay gagabayan sa pamamagitan ng linkage sa mga advisers at subject teachers na kanilang nakasalamuha sa nakaraang taon. Ang close contact sa mga guro ay paiigtingin upang magabayan ang mga bata sa kanilang mga    bahay hindi lamang sa pag-aaral ng mga aralin kundi sa buhay- panalangin.

Nawa’y lagi tayong pagpapalain ng Poong Maykpal na siyang nakaaalam ng lahat.  Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa AVCPS! Ingat  po tayo. Hanggang sa muling pagkikita…

Maria, Luklukan ng karunungan, ingatan mo kami.
Santo Tomas de Aquino, patron ng AVCPS, ipanalangin mo kami.

Ipinahayag ng may pag-asa:

(sgd) Rev. Fr. Raymond H. Ruga, PhD.
AVCPS Superintendent

No comments:

Post a Comment