Tuesday, 10 March 2020

Huwag Matakot Mangarap


“Kapag naghahari na po kayo, paupuin ninyo sa inyong tabi ang dalawa kong anak, isa sa kanan at isa sa kaliwa.” (Matthew 20:21)

Kaya ba nating ihayag ng lantaran ang ating mga pinapangarap?

Sa ating pananalangin, huwag mahihiyang iparating sa Diyos ang tunay na nilalaman ng ating puso. Huwag matakot, mag-alinlangan, o magdadalawang-isip. Magtiwalang dadalisayin Niya ang ating pinapangarap at ipagkakaloob ang batid Niyang sa atin ay tunay na makabubuti. 

Mga Pagbasa para sa Araw ng
Miyerkules, March 11
2nd Week, Lenten Season

Jeremiah 18:18-20
Psalm 31
Matthew 20:17-28


📷Unsplash.Martin.Widenka
📝revjeffcoz

Wednesday, 4 March 2020

Pagbabago


“Nagbago ang anyo ni Jesus sa harap nila: nagningning gaya ng araw ang kanyang mukha at kuminang na puting-puti ang kanyang damit gaya ng liwanag.” (Mateo 17:2)

Nakakahawa ang kaningningan ni Jesus. Ngayong panahon ng Kuwaresma, tahimik Niya tayong binabago at hinuhubog — ibinabalik ang orihinal nating ganda at buti. Nawa ay hayaan natin ang Kanyang mga Kamay ang siyang magbigay direksyon sa atin tungo sa hangarin ng Diyos Ama. Hayaan natin ang ating mga sarili na malunod sa Kanyang nining upang sa huli ay makapagbigay liwanag din tayo sa kapwa. 

Mga Pagbasa para sa Araw ng
Linggo, March 8
2nd Week, Lenten Season

Genesis 12:1-4a
Salmo 33
2 Timoteo 1:8b-10
Mateo 17:1-9


📷Unsplash.Ales.Me
📝revjeffcoz

Pag-ibig Para sa Lahat


“Sinsabi ko sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo.” (Matthew 5:44)

Pinasan ni Hesus ang krus bilang paghahayag ng Kanyang pag-ibig. Subalit ginawa Niya ito hindi lamang alang-alang sa mga sa Kanya ay naniniwala at umiibig. Inialay Niya ang Kanyang buhay maging para sa mga sa Kanya ay umuusig. 

Tayo kaya? Hanggang saan natin kayang umibig?

Mga Pagbasa para sa Araw ng
Sabado, March 7
1st Week, Lenten Season

Deuteronomy 26:16-19
Psalm 119
Matthew 5:43-48


📷Unsplash
📝revjeffcoz

Bunutin ang Ugat ng Pagkakasala


“Ang pagbabalik-loob ninyo ay aking gusto upang kayo’y mabuhay!” (Ezekiel 18:23)

Kakambal ng ating pagbabalik-loob ang pagwawaksi at pagtalikod sa kasalanan. 

Nawa ay ating pakatatandaan: Ang pagpuril sa kasalanan ay tulad ng pagpatay sa isang damong ligaw. Kailangang maingat na masunson ang ugat at bunutin ito. Dahil kung puputulin lamang ang mga sanga nito, tiyak na babalik-balik at pagkakasala ay mauulit lang nang mauulit. 

Mga Pagbasa para sa Araw ng
Biyernes, March 6
1st Week, Lenten Season

Ezekiel 18:21-28
Salmo 130
Mateo 5:20-26


📷Unsplash
📝revjeffcoz

Tuesday, 3 March 2020

Diyos ng Pagtangis


Kanino tayo lumalapit at tumatangis kapag nagigipit at namimilipit?

“Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!” (Matthew 7:11)

Sa pagtangis ni Hesus sa daan ng kalbaryo, kailan man ay hindi Siya nag-isa. Kasama at kaisa Niyang tumangis ang Diyos Ama. Ang tahimik Niyang pagdaing ay dinidinig naman ng Ama. 

Kanino tayo lumalapit at tumatangis kapag nagigipit at namimilipit?

Ngayong panahon ng Kuwaresma, binibigyang halimbawa tayo ni Hesus sa panahon ng ating mga pagtangis. Binibigyan N’ya tayo ng panibagong pag-asa. Ipinakikilala Niya ang kabutihan ng Diyos Ama na karamay natin at Siyang pumapawi sa anumang ating pighati.

Mga Pagbasa para sa Araw ng
Huwebes, March 5
1st Week, Lenten Season

Esther 4:12,14-16,23-25
Psalm 138
Matthew 7:7-12


📷Unsplash|NunoAlberto
📝revjeffcoz

Tagapaghayag ng Pagbabago


“Pumunta ka sa Lunsod ng Nineve at ipahayag mo ang mga ipinasasabi ko sa iyo.” (Jonah 3:2)

Anong uri ng presensya ang ating dala-dala? Galit, inggit, o pagkakawatak-watak ba?

Ngayong panahon ng Kuwaresma, nawa ang bawat isa ay maging tanda ng pagbabago. Sa pamamagitan ng ating ikinikilos at sinasalita, nawa’y maging buhay tayong tagapagpatotoo upang maakay ang kapwa tungo sa pagbabalik-loob at pagpapanibago. 

Mga Pagbasa para sa Araw ng 
Miyerkules, March 4
1st Week, Lenten Season

Jonah 3:1-10
Psalm 51
Luke 11:29-32


📷media.swncdn.com
📝revjeffcoz

Katahimikan: Tagpuan ng Pusong Nahahapis at Banal


Ngayong panahon ng Kuwaresma, sama-sama nating yakapin ang katahimikan. Maging kabahagi tayo sa pagpapakalma sa maingay na mundo. Payapain din natin ang ating mga naliligalig na puso. 

Mananahimik tayo dahil dito ang lugar kung saan sa Diyos tayo ay makikipagtagpo. Mananahimik tayo upang higit nating marinig ang pagtibok ng Puso ni Hesus. Sa katahimikan higit nating masasaksihan ang Kanyang paghapis — ang tahimik Niyang pagpapakasakit upang angkinin ang ating mga pagkakamali at pagkukulang. At sa katahimikan din natin madarama ang pagdaloy ng kabanalan sa ating buhay — ang pagdampi ng halimuyak ng sakripisyo ni Hesus sa ating pagkatao na Siyang patunay na tayo ay Kanyang binabago. 

Manahimik...at hayaan nating tahimik tayong papanibaguhin ni Hesus.