Wednesday, 25 March 2020

AVC: “SOCIAL SERVICES PROTOCOLS” AMID COVID-19 PANDEMIC AND ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE OVER ENTIRE LUZON

 

ADMINISTRATIVE DECREE 2020-03

  


DATE:            24 MARCH 2020 

 

TO:                 ALL PAROCHIAL AND INSTITUTIONAL EMPLOYERS, LAY EMPLOYEES AND WORKERS, AND LAY LEADERS 

 

RE:                 “SOCIAL SERVICES PROTOCOLS” AMID COVID-19 PANDEMIC AND ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE OVER ENTIRE LUZON

 

In light of the ongoing global outbreak of the novel coronavirus disease COVID-19, and while the entire country has been placed under the “state of national emergency” and the entire Luzon under the “enhanced community quarantine” from 17 March 2020 to 12 April 2020, it is our civic duties and responsibilities to comply with all the laws, orders, directives, guidelines, and instructions issued by our national and local government. 

 

Meanwhile, as one local Church in the Apostolic Vicariate of Calapan, we are morally obligated to heighten our readiness to respond to the demands and needs of the people of God, although there are certain limitations in our movement and encounter with them.  Like the Good Shepherd, Jesus, we are expected to lay down our life for the sheep through our closest communion, compassion and care for them in providing for their spiritual and corporal needs that they may have life and have it abundantly (cf. Jn. 10:10).

 

Considering our current serious situation and precarious condition, I would like to lay down some “SOCIAL SERVICES PROTOCOLS” that should be implemented within this ecclesiastical jurisdiction as follows:

 

1.             SALARIES AND BENEFITS OF EMPLOYEES AND WORKERS

 

The Church affirms the dignity of work and places work at the center of the social doctrine – that human beings are the proper subject of work; that work expresses and increases human dignity (cf. Rerum Novarum and Laborem Exercens).  The State calls on employers to take care of their employees and urges them to exercise “flexibility and compassion" amid the COVID-19 outbreak (cf. DOLE Labor Advisory No. 4, Series of 2020).  

 

Hence, in the exercise of our moral and legal obligations for the duration of the enhanced community quarantine, the following directives are hereby in order: 

 

1.1          For Regular Employees and Workers:

1.1.1     Pay in full the salary for the month of March.

1.1.2     Pay in advance the half-month or full-month salary of April.

1.1.3     Give in full the half of 13th month pay covering January to June 2020.

1.1.4     Suspend the application of no-work-no-pay and loan payments via salary deduction, without prejudice to the allowable deductions authorized in law.

1.1.5     Grant other financial relief or gratuity assistance, either in cash or in kind. 

1.1.6     Provide extra incentives or benefits to those who are asked to report for work.

1.2          For Daily Wage Workers:

1.2.1     Grant other financial relief or gratuity assistance, either in cash or in kind.

1.2.2     Provide extra incentives or benefits to those who are asked to report for work.

 

1.3          For Academic and Non-Academic Personnel of AVCPS:

1.3.1     Pay in full the salary for the month of March.

1.3.2     Give in full the Summer Vacation Pay.

1.3.3     Give in full the half of 13th month pay covering January to June 2020.

1.3.4     Suspend the application of no-work-no-pay and personal loan payments via salary deduction, without prejudice to the allowable deductions authorized in law.

1.3.5     Grant other financial relief or gratuity assistance, either in cash or in kind. 

1.3.6     Provide extra incentives or benefits to those who are asked to report for work.

 

The above mentioned measures are practical responses to help our employees and workers survive the month-long enhanced community quarantine.  We will find other ways if this Luzon-wide “lockdown” is protracted.  Let us continue to take the extra mile in taking care of our employees and workers during this crisis situation.

 

2.             “FOOD BANK” AND “FAMILY FOOD PACKS” PROGRAM

 

Pope Francis reminds everyone to remember the poor in this time of crisis.  He said that while being worried about our personal things, we can neither overlook nor ignore the suffering of the poor and we cannot live in indifference and inaction (cf. Pope Francis, Homily, Chapel of Domus Sanctae Marthae, 12 March 2020).  Economists aver that enhanced community quarantine threatens the jobs of as much as one million workers (cf. NEDA, Economic Impact Report, 19 March 2020).   This crisis spells doom to informal sector workforce as they are the ones who are greatly affected and, we are doomed to suffer a more serious humanitarian crisis altogether if the social and economic concerns of the poor remain unaddressed.  

 

Hence, considering our personal obligation and corporate Church’s obligation to the poor for the duration of the enhanced community quarantine, the following directives are hereby in order: 

 

2.1          Create “Task Force Food Bank and Family Food Packs” (TFFB-FFP), composed of the Parish Pastoral Council, Parish Finance Council, and Parish Committee on Service, including other lay volunteers who are willing and able.

2.2          Establish “COVID-19 Response Fund” (CRF) by appropriating “start-up” funds from the parish general fund.  

2.3          Suspend and divert allocated budget for non-essentials, e.g. infrastructure or prettification projects, to this more essential program.

2.4          Mobilize local private firms and individuals to donate cash and/or food items.

2.5          Start buying, storing and packing food items for immediate conduct of relief operations, even if small scale only.

2.6          Prioritize the provision of food packs to families identified as priority, particularly the poor and the informal sector workers.

2.7          Coordinate with the proper local government agencies to avoid unfair distribution due to duplication and misrepresentation.  

2.8          Form a food pack distribution team to conduct the house-to-house visit and door-to-door delivery process.

 

The above mentioned measures are practical responses to help our poor families survive the month-long enhanced community quarantine.  We will find other ways if this Luzon-wide “lockdown” is protracted.  Let us endeavor to walk-the-talk our core commitment to preferential option for the poor.

 

In this time of COVID-19 pandemic, without prejudice to the spirit of the Holy Season of Lent, let us not abandon the faithful as we continue to exercise our duties of pastoral care while keeping all the prescribed and necessary precautionary measures.   

 

These days we ask the Lord for the grace “not to fall into indifference, the grace that all the information about human suffering we have, will go down into the heart and move us to do something for others” (Pope Francis, Homily, Chapel of Domus Sanctae Marthae, 12 March 2020).

 

This Administrative Decree shall enter into force effective 25 March 2020, Solemnity of the Annunciation of the Lord, and continue to be in full force and effect until further notice.

 

Obstantibus contrariis.

 

(sgd) VERY REV. FR. NESTOR J. ADALIA

Apostolic Administrator of Calapan

AVC: “SPIRITUAL AND LITURGICAL PROTOCOLS” AMID COVID-19 PANDEMIC AND ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

 

ADMINISTRATIVE DECREE 2020-02

 


DATE:            24 MARCH 2020

 

TO:                  ALL DIOCESAN AND RELIGIOUS CLERGY, WOMEN-RELIGIOUS AND LAY FAITHFUL 

 

RE:                  “SPIRITUAL AND LITURGICAL PROTOCOLS” AMID COVID-19 PANDEMIC AND ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE 

 

In light of the ongoing global outbreak of the novel coronavirus disease (COVID-19), and while the entire country has been placed under the “state of national emergency” and the entire Luzon under the “enhanced community quarantine” from 17 March 2020 to 12 April 2020, it is our civic duties and responsibilities to comply with all the laws, orders, directives, guidelines, and instructions issued by our national and local government. 

 

Meanwhile, as one local Church in the Apostolic Vicariate of Calapan, we are morally obligated to heighten our readiness to respond to the demands and needs of the people of God, although there are certain limitations in our movement and encounter with them.  Like the Good Shepherd, Jesus, we are expected to lay down our life for the sheep through our closest communion, compassion and care for them in providing for their spiritual and corporal needs that they may have life and have it abundantly (cf. Jn. 10:10).

 

Considering our current serious situation and precarious condition brought about by COVID-19 pandemic, I would like to lay down some “SPIRITUAL AND LITURGICAL PROTOCOLS” that should be implemented within this ecclesiastical jurisdiction as follows:

 

1.             Create a personal program and discipline in your daily prayer-life, among others: Missa Sine Populo, Holy Hour, Liturgy of the Hours and Holy Rosary.  Apply all Masses for the people entrusted to us(Missa pro populo); they are not to be combined with other intentions.  Suspend the collection of monetary gift or offerings (stips) from the faithful and the retention of the offering by the priest for praying a Mass. 

 

2.             Pray the Holy Rosary every day, after the 6:00 P.M. Angelus or after the 8:00 P.M. Oratio Imperata.  Pray also the 3 O'Clock Prayer to the Divine Mercy.  Use the public address system for wide range of audio coverage; live or recorded prayer may be used. 

 

3.             Use the two Rites – “Banal na Oras” and “Panalangin ng Pamilya” Para sa Ikahuhupa ng Salot na COVID-19.   Although these rites are to be used on 25 March 2020 on the occasion of the designated Day of Prayer and Fasting in the AVC, adopt them as supplemental prayer guides for everyday use. Photo copy and distribute them for wider circulation and consumption of our faithful.

 

4.             Follow strictly the “General Indications” regarding Holy Week, Triduum, and Easter liturgies as contained in the “Decree in Time of COVID-19”, Prot. No. 153/20, published by the Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, dated 19 March 2020, signed by Prefect Robert Cardinal Sarah, by mandate of the Supreme Pontiff, for the year 2020 only.  In view of thereof: 

 

4.1          The end-term for the cancellation of all public Masses as contained in the Administrative Decree 2020-01, i.e. “until 12:01 P.M. of 1 April 2020”, is revoked, and the cancellation is protracted until further notice.

 

4.2          The scheduled special Presbyteral Assembly on 1 April 2020, for the specific purpose of revisiting the end-term for cancellation of public Masses, is cancelled.  It is deemed moot and academic since it is something that no longer matters or is of little consequence.   

 

4.3          The Pre-Chrism Recollection and Chrism Mass scheduled on 1 April 2020 and 2 April 2020, respectively, are cancelled upon the instruction of our Metropolitan Archbishop Gilbert A. Garcera.  Holy Oils and Chrism from the current supplies, i.e. currently in use, may continue to be used until a new supply is blessed or consecrated and made available.

 

5.             Adopt and/or accommodate whatever applicable liturgico-pastoral recommendations are offered in the CBCP Circular No. 20-15, issued on 20 March 2020, re “Recommendations for the Celebrations of the Holy Week During the Quarantine Period (2020)”, without prejudice to keeping a balance of the essentials of the celebrations and the accommodations due to the precautions to stem the transmission of the virus.  Celebrate Holy Week liturgies with pandemic restrictions, particularly the provision on sine populo.  CDWDS’ Decree is personally preferred because of its simplicity and solemnity; it is deemed appropriate and modest without being grandiose and complicated. 

 

6.             Give sufficient and accurate orientation to the parish secretary, pastoral workers, and the principal lay-leaders about the provisions laid down in the Administrative Decree 2020-01.  Cease and desist from providing erroneous instructions while catering to the needs of our people for sacraments and sacramentals albeit some rules or practices have been omitted or altered.  Never put our local Church in bad light by reasons of ignorance and/or error in the presentation of facts.   

 

In this time of COVID-19 pandemic, without prejudice to the spirit of the Holy Season of Lent, let us not abandon the faithful as we continue to exercise our duties of pastoral care while keeping all the prescribed and necessary precautionary measures.   

 

May the Holy Spirit give us pastors the capacity for pastoral discernment “that we adopt measures that do not leave God’s holy and faithful people without assistance… that the people of God feel themselves accompanied by their pastors: by the comfort of the Word of God, the Sacraments, and of prayer” (Pope Francis’ Prayer Before Mass, Chapel of Domus Sanctae Marthae, 13 March 2020). 

 

This Administrative Decree shall enter into force effective 25 March 2020, Solemnity of the Annunciation of the Lord, and continue to be in full force and effect until further notice.

 

Obstantibus contrariis.

 

(sgd) VERY REV. FR. NESTOR J. ADALIA

Apostolic Administrator of Calapan

 

Monday, 23 March 2020

LETTER OF THE APOSTOLIC ADMINISTRATOR TO AVC CLERICS AMID PROTRACTED COVID-19 PANDEMIC

 

LETTER OF THE APOSTOLIC ADMINISTRATOR 
TO AVC CLERICS AMID PROTRACTED COVID-19 PANDEMIC



Therefore encourage one another and build up each other, 

as indeed you are doing.” (1 Thes 5:11)

 

Dearly Beloved Brother-Clerics,

 

On this feast day of St. Joseph, patron of the Universal Church, I was inspired to write this letter ex corde to all of you, my brother priests, you who have immersed zealously in the daily life of parish communities, who have served passionately in the trenches bearing the burden and the scorching heat of the day, who have defied bravely the frenzied situations, all because of your sincere effort to care for and accompany God’s people.  

 

In these times of COVID-19 turbulence, I want to say a word to each of you who, without fanfare and personal cost, carry out your mission of service to God and to His people.  I acknowledge and appreciate you for taking the initiatives and getting them done amid aging, infirmity, weariness and sorrow.  Thank you for all your efforts and dedication.  Your sincere service needs all my encouragement and appreciation.  Thank you for being so committed in your priesthood.  

 

Despite the hardships of your present extraordinary journey, that is, going beyond what is usual, regular or customary, exceptional to a very marked extent indeed, it is all about getting yourselves into the situations and turning them into “amazing grace” experiences.   You are writing the finest pages of your priestly life.  And with Mary, may you keep all these things and ponder them in your heart (cf. Lk. 2:19).

 

At these times, it is important – I would even say crucial – to cherish the memory of the Lord’s presence in your lives and his merciful gaze, which inspired you to put your lives on the line for Him and for His People.  And to find the strength to persevere and, with Mary, to raise your own song of praise, “My soul proclaims the greatness of the Lord, my spirit rejoices in the Lord, my Savior” (Lk. 1:46).

 

Dear brothers, once more, “I do not cease to give thanks for you” (Eph 1:16), for your commitment and your ministry.

 

May you allow my gratitude to awaken praise and renewed enthusiasm for your ministry of anointing our brothers and sisters with Great Hope.  May you be men of God whose lives bear witness to the compassion and mercy that Jesus alone can bestow on you.

 

May the Lord Jesus bless you and the Blessed Virgin watch over you.  And please, I ask you not to forget to pray for me and for one another.

 

Fraternally yours,

 

(sgd.) MANONG NES

 

Calapan City, Bishop’s Residence, 19 March 2020, 

Feast of St. Joseph, Patron of the Universal Church

SULAT NG TAGAPANGASIWANG APOSTOLIKO SA MGA KLERO NG AVC SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC

SULAT NG TAGAPANGASIWANG APOSTOLIKO

SA MGA KLERO NG AVC SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC

 


“Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, 

gaya ng inyong ginagawa” (1 Tes 5:11) .

 

Minamahal kong mga kapatid na Klero, 

 

Sa araw na ito ng Kapistahan ni San Jose, Patron ng Pandaigdigang Simbahan, nagkaroon ako ng inspirasyon na isulat ang liham ex corde na ito sa inyong lahat, na aking kapatid na pari, kayo na tahimik na nakababad ang sarili sa pangaraw-araw na buhay ng mga tao, na marubdob na naglilingkod sa mga nasa laylayan ng lipunan at tinitiis ang nakakapasong init ng araw, na sinusuong ng buong tapang ang nakakapangambang situwasyon ngayon, alang-alang lamang sa pagsisikap na alagaan at damayan ang mga tao, ang bayan ng Diyos.

 

Sa mga panahong ito ng lumalalang krisis ng COVID-19, nais kong mangusap sa bawat isa sa inyo na, ni walang personal na paghahangad ng katanyagan at kahalagahan, isinasagawa ang inyong misyon ng paglilingkod sa Diyos at sa mga tao.  Kinikilala at pinasasalamatan ko kayo sa paglikha ng mga inisyatibo at pagsasagawa ng mga ito sa gitna ng inyong katandaan, karamdaman, kapaguran at kalungkutan.  Salamat sa lahat ng inyong pagsisikap at dedikasyon.  Ang taimtim ninyong paglilingkod ay marapat lamang sa aking paghihikayat at pagpapahalaga.  Salamat sa inyong pagiging tapat sa pagkapari.

 

Sa kabila ng mga paghihirap ng inyong pambihirang paglalakbay, iyan ay dahil sa nasasadlak kayo sa higit pa sa karaniwan, regular o kasanayan, na kakaiba sa isang pangkaraniwang buhay-pari, ang lahat ng ito ay tungkol sa pagtataya ng inyong sarili sa situwasyon at pagtuturing sa mga ito bilang kamangha-manghang grasya ng mga karanasan.  Kayo ay nagsusulat ng mga pinakamainam na mga pahina ng ating buhay pagkapari.  At kasama ni Maria, ingatan ang lahat ng mga bagay na ito at pagbulay-bulayin ito sa inyong mga puso (cf. Lk. 2:19). 

 

Sa mga panahong ito, mahalaga – sasabihin ko pa rin na pinakamahalaga – na itangi ang alaala ng pananahan ng Panginoon sa inyong buhay at sa Kanyang maawaing paningin, na magbibigay-inspirasyon sa inyo na ilagay ang inyong buhay sa tawag ng paglilingkod para sa Kanya at sa Kanyang bayan.  At upang makasumpong kayo ng lakas na magtiyaga at, kasama ni Maria, upang itaas ang inyong sariling awit ng papuri, “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, at nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas” (Lk.1:46).

 

Mahal kong mga kapatid, minsan pa, “hindi ako tumitigil para magpasalamat sa inyo” (Ep.  1:16), para sa inyong kasipagan at katapatan sa paglilingkod. 

 

Nawa'y ang pasasalamat na ito ay magdulot ng panibagong sigasig sa inyong paglilingkod upang pahiran ninyo ang sambayanan ng Diyos ng Dakilang Pag-asa.  Nawa 'y maging lingkod kayo ng Diyos na ang buhay ay nagpapatotoo sa habag at awa na si Jesus lamang ang pinagbubuhatan.   

 

Nawa'y pagpalain kayo ng Panginoong Jesus at mapangalagaan kayo ng Banal na Birhen.  At pakiusap, hiling ko sa inyo na huwag kalimutang manalangin para sa akin at sa isa’t-isa.

 

Sumasakapatid ninyo,

 

(sgd.) MANONG NES

 

Lungsod ng Calapan, Lunduyan ng Obispo, 19 Marso 2020,

Kapistahan ni San Jose, Patron ng Pangdaigdigang Simbahan 

Saturday, 21 March 2020

PANALANGIN NG PAMILYA PARA SA IKAHUHUPA NG SALOT NA COVID-19

PANALANGIN NG PAMILYA

PARA SA IKAHUHUPA NG SALOT NA COVID-19

 

(Gagamitin sa Araw ng Pananalangin at Pag-aayuno – 25 Marso 2020

at sa Pang-araw-araw na Panalangin ng Pamilya)

 


(Pamumunuan ng Ama o Ina ng Tahanan.  Maaaring gawin ng Pamilya bago kumain ng hapunan o kaya ay bago matulog sagabi. Magtitipon ang Pamilya sa harap ng altar sa kanilangtahanan.  Magsisindi ng kandila. Maaaring awitin o basahin ang Pambungad na Awit habang nakatayo.)

 


PAMBUNGAD NA AWIT

 

PATAWAD PO, O DIYOS KO

 

Patawad po O Diyos ko, 

patawad ang daing ko.

Patawad kaawaan Mo

ang abang lingkod Mo,

Ang abang lingkod Mo.

 

Ang aking kasalanan 

na kinahuhulugan

Masasama ngang tunay

Dapat na parusahan;

Dapat parusahan.

 

Patawad po O Diyos ko

patawad ang daing ko.

Patawad kaawaan Mo, 

ang abang lingkod Mo,

Ang abang lingkod Mo.

 


N:Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

 

BAmen.

 

N: Purihin ang Diyos ng biyaya, awa at kapayapaan.  Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo.

 

B:Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

 

 

PAUNANG SALITA

 

N:Mga kapamilya, natitipon tayo ngayon upang ipahayag ang ating pagtitika at pagsusumamo saPanginoon na wakasan na ang salot na dulot ng COVID-19. Bagaman tayo ay malimit tumalikod sa pagmamahal ng Panginoon, hindi niya tayo pinababayaan. Muli’t muli niyang iniaalok sa atin ang kanyang tipan at ang kanyang walang hanggang pag-ibig. Dumulog tayo ngayon at buong pusong hilingin ang kanyang pagbabasbas sa ating pamilya, sa ating pamayanan at sa buong mundo, at upang magwakas na ang salot na ating kinakaharap.

 

(sandaling katahimikan at pagninilay)

 

 

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

 

N:Manalangin tayo. 

 

Ama naming Makapangyarihan,

lakas ka ng mga walang inaasahan kundi ikaw.

Ang pagluhog namin ay iyong pagbigyan,

sapagkat kami’y mga tao lamang

na pawang mahihina kapag iyong iniwanan.

Kaya naman kami’y iyong laging tulungan

upang sa pagtupad sa iyong mga kautusan,

ikaw ay aming mabigyang kasiyahan

sa aming iniisip at ginagawa araw-araw.

Sa pamamagitan si Hesukristo,

kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

 

B:Amen.

 

(Magsisiupo ang lahat. Babasahin ng anak o sinumang miyembro ng pamilya ang Unang PagbasaSalmo, Ikalawang Pagbasa, Mabuting Balita)

 

 

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

 

 

UNANG PAGBASA 

 

Magsisi kayo ng taos sa puso at hindi pakitang-tao lamang.

 

N:Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Joel (2:12-18)

 

Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo’y mag-ayuno, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo ng taos sa puso, hindi pakitang tao lamang.  Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos.  Siya’y may magandang-loob at puspos ng awa, mapahinuhod at tapat sa kanyang pangako; laging handang magpatawad at hindi mapagparusa.  Maaaring lingapin kayo ng Panginoon at bigyan ng masaganang ani. Kung magkagayon, mahahandugan natin siya ng haing butil at alak. Ang trumpeta ay hipan ninyo, sa ibabaw ng Bundok ng Sion; iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat, tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo lahat, matatanda’t bata, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.  Mga saserdote, kayo’y tumayo sa pagitan ng pasukan at ng dambana, manangis kayo’t manalangin nang ganito: “mahabag ka sa iyong bayan, O Panginoon.  Huwag mong tulutang kami’y hamaki’t pagtawanan ng ibang mga bansa at tanungin,  Nasaan ang iyong Diyos?”  Pagkaraan, ipinamalas ng Panginoon na siya’y nagmamalasakit sa kanyang bayan.

 

Ang Salita ng Diyos

 

B:Salamat sa Diyos.

 

(sandaling katahimikan at pagninilay)

 

 

SALMONG TUGUNAN

 

Tugon:Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa‘yo’y nagsisuway.

 

Akoy kaawaan O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob, ang mga kasalanan ko’y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin. Linisin mo sana ang aking karumihan at ipatawad mo yaring kasalanan.

 

Tugon:Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa‘yo’y nagsisuway.

 

Ang pagsalansang ko ay kinikilala, laging nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.

 

Tugon:Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa‘yo’y nagsisuway.

 

Isang pusong tapat sa aki’y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapan huwag akong alisin, ang Espiritu mo ang papaghariin.

 

Tugon:Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa‘yo’y nagsisuway.

 

Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas, ibalik at ako ay gawin mong tapat. Turuan mo akong makapagsalita, at pupurihin kita sa gitna ng madla.

 

Tugon:Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa‘yoy nagsisuway

 

 

IKALAWANG PAGBASA

 

Pinakamabuting magagawa ng tao ay buong tiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon.

 

N:Pagbasa mula sa aklat ng mga Panaghoy (3:17-26)

 

Sa akin ay wala ni bakas ng kalusugan, katiwasayan at kaligayahan. Kaya’t sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa sa Panginoon.” Simpait ng apdo ang alalahanin saaking paghihirap at kabiguan, lagi ko itong naaalala, at ako’y labis na napipighati. Gayunma’y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naaalala ko ito: ang hindi magmamaliw na pag-ibig ng Panginoon, at ang kanyang walang kupas na kahabagan. Hindi nagbabago tulad ng bukang liwayway. Dakila ang kanyang katapatan. Ang Panginoon ay akin, sa kanya ako nagtitiwala. Ang Panginoon ay mabuti sa mga nagtitiwala sa kanya, pinakamabuting magagawa ng tao ay buong tiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon. 

 

Ang Salita ng Diyos

 

B:Salamat sa Diyos

 

(sandaling katahimikan at pagninilay)

 

 

AWIT

 

DIYOS AY PAG-IBIG

 

Pag-ibig ang siyang pumukaw

Sa ating puso at kaluluwa

Ang siyang nagdulot sa ating buhay

Ng gintong aral at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin

Di mapapawi kailan pa man

Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang

Kahit na tayo’y magkawalay.

 

Pagka’t ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig

Magmahalan tayo’t magtulungan

At kung tayo’y bigo, ay h’wag limutin

Na may Diyos tayong nagmamahal

Sikapin sa ating pagsuyo

Ating ikalat sa buong mundo

Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop

Sa bawa’t pusong uhaw sa pagsuyo.

 

 

MABUTING BALITA 

 

Kinuha niya ang ating mga kahinaan at binata ang ating mga karamdaman.

 

N:Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (8:14-17)

 

B:Papuri sa iyo, Panginoon.

 

Noong panahong iyon, pumunta si Hesus sa bahay ni Pedro at doo’y nakita niya ang biyenan nito, nakahiga at inaapoy ng lagnat. Hinawakan niHesus ang kamay ng babae at nawala ang lagnat nito. Pagkatapos, bumangon ito at naglingkod sakanya.  Nang gabi ding iyon, dinala kay Hesus ang maraming inaalihan ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu, at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Kinuha niya ang ating mga kahinaan at binata ang ating mga karamdaman.

 

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

 

B:Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

 

 

PAGNINILAY 

 

(maaaring magbigay ng pagninilay ang tatay o nanay; maaaari rin magbahaginan ng mga kaisipan sa nangyayaring epidemya)

 

 

MAPANALANGING KATAHIMIKAN

 

 

AWIT


SINO’NG MAKAPAGHIHIWALAY

 

Sino’ng makapaghihiwalay

Sa atin sa pag-ibig ni Kristo?

Sino’ng makapaghihiwalay sa atin

Sa pag-ibig ng Diyos?

Paghihirap ba? Kapighatian?

Pag-uusig o gutom o tabak?

At kahit na ang kamatayan

Walang makapaghihiwalay sa atin

Sa pag-ibig ng Diyos. 

 

Ang Ama kayang mapagtangkilik

O anak na nag-alay ng lahat

Saan man sa langit o lupa

Walang makapaghihiwalay sa atin

Sa pag-ibig ng Diyos. 

 

 

PANGKALAHATANG PANALANGIN

 

N:Lumuhog tayo sa Ama sa kalangitan na pinili ang kanyang Anak upang maging ating tagapagligtas. Puno ng pagtitiwala humiling tayo ng lakas at gabay para sa ating lahat.

 

B: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

 

N: Idinadalangin namin ang buong Simbahan lalo’t higit para sa mga namumuno dito, ang Santo Papa, mga Obispo, mga pari at mga diyakono. Pagkalooban mo sila ng pusong handang laging maglingkod para sa kapakanan ng lahat.  Manalangin tayo sa Panginoon.

 

B: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

 

N: Idinadalangin namin ang mga umuugit sa ating pamahalaan. Pagkalooban nawa sila ng Diyos ng kalakasan ng katawan at kalooban upang magawa nilang akayin ang sambayanan ng Diyos tungo saliwanag ng kaligtasan.  Manalangin tayo saPanginoon.

 

B: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

 

N: Idinadalangin namin ang mga dalubhasa at mga manggagamot upang sa biyaya ng karunungan at kaalamang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos ay magtamasa nawa ang lahat ng tao ng kalusugan at kaligtasan mula sa karamdamang pangkatawan at pang kalooban.  Manalangin tayo sa Panginoon.

 

B: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

 

N: Idinadalangin namin ang sangkatauhan, ang ating bansa at pamayanan, iligtas nawa tayo ng Diyos mula sa kapahamakang idinudulot ng sakit na COVID-19. Pagkalooban nawa ng pagkakaisa at pagmamahalan ang lahat upang magapi ang nakamamatay na karamdamang ito.  Manalangin tayo sa Panginoon.

 

B: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

 

N: Idinadalangin namin ang mga taong may karamdaman at nagdurusa dahil sa COVID-19. Pagkalooban nawa sila ng Diyos ng malalim napagtitiwala sa kanya at ng kagalingan mula sa kanilang karamdaman. Manalangin tayo saPanginoon.

 

B: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

 

N: Idinadalangin namin ang lahat ng pumanaw nadahil sa karamdamang COVID-19. Pagkalooban nawa sila ng kapayapaan at pamamahingang walang hanggan kasama ang lahat ng anghel at banal doon sa kalangitan. Manalangin tayo saPanginoon.

 

B: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

 

 

AMA NAMIN

 

N:Manalangin tayo ayon sa dasal na itinuro sa atin ng Panginoong Hesukristo: (aawitin)

 

Ama namin, sumasalangit ka.

Sambahin ang ngalan mo.

Mapasaamin ang kaharian mo.

Sundin ang loob mo dito sa lupa 

para lang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon 

ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin mo kami sa aming mga sala

para nang pagpapatawad namin 

sa nagkakasala sa amin.

At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.

At iadya mo kami sa lahat ng masama.

 

 

ORATIO IMPERATA

 

Makapangyarihan at mapagmahal na Ama,

nagsusumamo kami sa iyoupang hilingin 

ang iyong patnubay laban sa COVID-19

na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay.

 

Gabayan mo ang mga dalubhasang naatasan

na tumuklas ng mga lunas at paraan

upang ihinto ang paglaganap nito.

Patnubayan mo ang mga lumilingap sa maysakit

upang ang kanilang pagkalinga

ay malakipan ng husay at malasakit.

Itinataas namin ang mga nagdurusa.

Makamtam nawa nila ang mabuting kalusugan.

Lingapin mo rin ang mga kumakalinga sa kanila.

Pagkamitin mo ng kapayapaang walang hanggan

ang mga pumanaw na.

 

Pagkalooban mo kami ng biyaya

na magtulong-tulong tungo sa ikabubuti ng lahat.

 

Pukawin sa amin ang pagmamalasakit 

sa mga nangangailangan.

Nagsusumamo kami na iyong ihinto na 

ang paglaganap ng virus

at ipag-adya kami sa lahat ng mga takot.

 

Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo

na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,

iisang Diyos, magpasawalang hangan. Amen.

 

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos.

Pakinggan mo ang aming mga kahilingan

sa aming pangangailangan

at ipagadya mo kami sa lahat ng kasamaan,

maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

 

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, 

ipanalangin mo kami.

San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.

San Roque, ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

 

 

PANALANGIN NI PAPA FRANCISCO SA MAHAL NA BIRHEN LABAN SA COVID-19

 

O Maria, tanglaw mo’y ‘di nagmamaliw 

sa aming paglalakbay bilang tanda 

ng aming kaligtasan at pag-asa.

 

Ipinagkakatiwala namin ang aming sarili sa iyo, 

Kagalingan ng Maysakit, na sa Krus ay naging malapit 

sa pagpapakasakit ni Kristo, 

na siyang nagpatibay sa iyong pananampalataya.

 

Ikaw, kaligtasan ng mga Romano [Filipino], 

ay nakababatid ng aming mga pangangailangan, 

at nananalig kaming tutugunan mo 

itong aming mga kinakailangan upang, 

 

tulad ng sa Cana ng Galilea, manumbalik ang kasiyahan 

at pagdiriwang matapos ang sandali ng pagsubok na ito.

 

Tulungan mo kami, Ina ng Banal na Pag-ibig, 

nang maiayon namin ang aming mga sarili 

sa kalooban ng Ama at maisakatuparan ang utos ni Jesus, 

na Siyang kusang nagpakasakit, at umako sa aming hapis, 

upang akayin kami, sa pamamagitan ng Krus, 

tungo sa Muling Pagkabuhay.  Amen.

 

Dumudulog kami sa iyong pagkalinga, 

O Mahal na Ina ng Diyos.

 

Huwag mong siphayuin ang aming pagluhog 

– kaming nasa gitna ng pagsubok – 

at ipag-adya mo kami sa lahat ng kapahamakan, 

O maluwalhati at pinagpalang Birhen. 

 

 

PANGHULING AWIT

 

HUWAG KANG MANGAMBA 

 

Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa
Sasamahan kita, saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa 'King mga mata
Minamahal kita, minamahal kita

Tinawag kita sa 'yong pangalan
Ikaw ay Akin magpakailanman
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tapagligtas mo at Tagatubos. (Koro)

 

Sa tubig kita'y sasagipin
Sa apoy ililigtas man din
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tapagligtas mo at Tagatubos. (Koro)