PROTOCOLS HINGGIL SA PAGDIRIWANG NG MGA SAKRAMENTO AT SAKRAMENTALS SA PANAHON NG COVID-19 PANDEMIC CRISIS
Sa Kaparian at Sambayanan ng Diyos sa Apostoliko Bikaryato ng Calapan:
Pagkatapos ng masusing pag-aaral at pagsasangguni sa Pangkalahatang Asembleya ng Kaparian, minabuti naming na itakda at ipatupad ang mga sumusunod na hakbang kaugnay sa ating mga pang-Simbahang gawain sa layuning makaiwas sa pagkalat ng COVID-19 para na rin sa kabutihan ng lahat.
I. PARA SA MGA SIMBAHAN AT KAPILYA
1. Bago at matapos ang mga gawain sa simbahan at nakalabas na ang mga tao, agad i-sanitize o i-disinfect ang kabuuang espasyo ng simbahan.
2. Maglagay ng alkohol sa mga lagusan ng simbahan para sa paglilinis ng kamay.
3. Panatilihing walang laman ang mga Holy Water Fontssa mga pintuan ng simbahan.
4. Isasara muna ang mga Blessed Sacrament Chapels.
II. PARA SA PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA (nang pinapayagan pa bago tuluyang kanselahin at kung sakali na magkaroon ng “provisional permission” habang mataas pa rin ang banta ng COVID-19)
1. Tiyakin ang ibayong pag-iingat batay na rin sa DOH at CBCP precautionary measures.
2. Limitahan sa dalawa ang Altar Boys na magsisilbi sa Misa.
3. Wala na munang Prusisyon sa Pasimula.
4. Hindi aawitin ang mga sumusunod: Kyrie, Salmo, Ama Namin, Sapagkat, at Agnus Dei.
5. Iklian na lamang ang pagdiriwang ng Misa; ang Homiliya ay 5-7 minuto lamang.
6. Ang Oratio Imperata ang dadasalin sa Panalangin ng Bayan. Maaaring mag-ukol ng karagdagang panalangin ang Pari.
7. Wala na munang Prusisyon ng Pag-aalay.
8. Gamitin ang buslo, hindi kahon o basket na ipinapasa-pasa ng mga tao, sa Pag-aalay.
9. Bago at pagkatapos ng Komunyon, ang Pari at mga EMHC ay dapat magpahid ng alkohol sa kamay.
10. Magsuot ng face mask ang Pari at EMHC sa Komunyon; kung wala, ibigay na lamang na walang sinasabi na “Katawan ni Kristo” at wala na ring pagtugon ng “Amen.”
11. Sa kamay lamang idudulot at tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
12. Pahiran o spray-an lagi ng sanitizer o disinfectant ang mga kagamitan sa Misa.
13. Ang mga matatanda, maysakit at bata, o sinumang may lagnat, sipon, ubo o nanghihina ang katawan ay huwag na munang dumalo sa Misa. Sa bahay na lamang magdasal ng Rosaryo o magbasa ng Bibliyao makinig ng Misa sa telebisyon, radio o social media.
14. Huwag na munang magpamano sa mga tao. Kung gusto magmano, yumuko na lamang at sabihing “Mano Po” at tutugunin ng pari “Kaawaan ka ng Diyos” o “God bless you”.
III. PARA SA PAGBIBINYAG
1. Magsuot ng face mask ang Pari, pati na ang mga magulang, ninong at ninang.
2. Pairalin ang social distancing sa mga nagsisipagdalo.
3. Sa Panalangin ng Exorcismo, huwag munang ipatong ang kamay sa ulo ng bibinyagan.
4. Sa pagpapahid ng krisma, gumamit ng bulak.
5. Gumamit ng bagong tubig at binasbasan sa loob mismo ng pagdiriwang.
6. Ang tubig ng binyag na nagamit na ay ibubuhos agad sa Sacrarium.
IV. PAGPAPAHID NG LANGIS AT PAGHAHATID NG KOMUNYON SA MAYSAKIT
1. Wala munang Paghahatid ng Komunyon sa Maysakit.
2. Gumamit ng bulak at magsuot ng face mask saPagpapahid ng Langis sa mga Maysakit.
V. PARA SA PAGPAPAKUMPISAL
1. Sa Isahang Pagkukumpisal, huwag gawing magkaharapan. Ang Confessional Box ay lagyan ng kurtina sa pagitan ng pari at penitente.
2. Wala munang Kumpisalang Bayan.
3. Pinahihintulutan ang paggagawad ng General Absolution. Isasagawa ito sa labas ng Misa. Gamitin ang Rito ng Pagdiriwang na itinakda ng CBCP.
4. Ang mga may mortal sin ay dapat magkumpisal sa madaling panahon o bago lumipas ang isang buwan matapos ang General Absolution.
VI. PARA SA KUMPIL AT UNANG PAKIKINABANG
1. Ang maramihang Kumpil at Unang Pakikinabang ay ipagpapaliban muna.
VII. PARA SA PATAY
1. Wala na munang Misa sa Patay sa Simbahan o sa Funeral Homes.
2. Maaaring gawin ang Funeral Blessing sa bahay ng yumao sa panahon ng paglalamay at sa oras na walang maraming tao na nakikipaglamay (e.g. umaga o hapon)
VIII. PARA SA MGA MAHAL NA ARAW (kung sakaling pahintulutan)
1. Misa:
a. Sundin ang mga patakaran na nasasaad sa itaas,i.e. Bilang II, 1-14.
2. Pabasa ng Pasyon:
a. Huwag na gumamit ng mikropono sa pagbabasa.
b. Magpahid ng alcohol at panatilihin ang social distancing sa mga magbabasa.
3. Paghuhugas ng Paa ng mga Alagad:
a. Hugasan na lamang, huwag ng halikan, ang paa ng mga gaganap na Alagad.
4. Visita Iglesya:
a. Huwag ng lumibot sa iba’t-ibang simbahan. Magbantay at magdasal na lamang nang isang oras sa Altar of Repose ng kani-kaniyang Parokya.
5. Estasyon ng Krus:
a. Wala namunang Pangkalahatang Estasyon ng Krus.
b. Magpahid ng alcohol at panatilihin ang social distancing sa mga magbabasa.
6. Pagsamba sa Krus:
a. Wala na munang paghalik sa Krus. Lumuhod na lamang ng isang tuhod (genuflect) o yumuko ngbuong pitagan (profound bow).
7. Prusisyon:
a. Huwag sumama ang mga matatanda at bata at may lagnat, sipon, ubo o nanghihina ang katawan. Magtirik na lamang ng kandila sa labas ng bahay sa pagdaan ng prusisyon at mag-alay ng panalangin.
b. Huwag halikan o hawakan o pahiran ng panyo ang mga imahen ng mga banal at huwag na rin kunin ang mga sariwang bulaklak o lubid ng karo.
c. Paikliin ang daraanang ruta at pairalin ang social distancing.
8. Salubong:
a. Gawin sa malawak na lugar para matiyak ang social distancing.
HINDI BAGONG PATAKARAN ang mga gabay na nabanggitna lihis sa batas-liturhiya at tradisyon ng Simbahan. Ang mga ito ay pansamantala lamang hanggang patuloy ang panganib na dulot ng COVID-19.
Patuloy ang ating pagsubaybay sa nagbabagong situwasyon ukol sa COVID-19. Mag-antabay lamang sa mga bagong opisyal na kalatas (c/o Chancery Office) na tutugon ayon sahinihingi ng situwasyon habang lubos ang pagsasaalang-alang sa kabutihan ng lahat.
Huwag nating kalimutan na panalangin ang mabisang panlaban sa mga salot at sakuna. Kaya patuloy na manalangin para masugpo na at malayo tayo sa kapahamakang dulot ng COVID-19.
Ang pinagdaraanan nating krisis ay magpatibay nawa lalo ngating pananalig at pagtitiwala sa Diyos.
Sumasainyo kay Kristo at Inang Maria,
(sgd) REBERENDO PADRE NESTOR J. ADALIA
Tagapangasiwang Apostoliko ng Calapan
16 Marso 2020
No comments:
Post a Comment