Thursday, 12 March 2020

Iwaksi ang Inggit



Nakamamatay ang inggit — tinutuldukan nito ang mga dating buhay ba relasyon at pinaparalisa at binabarahan nito ang pagdaloy ng grasya. 

Sa Unang Pagbasa para sa Araw ng Biyernes, inilahad na: Mas mahal ni Jacob si Jose kaysa sa ibang mga anak. (Genesis 37:3) Ito ang naging mitsa ng pagkainggit ng mga kapatid ni Jose na nauwi sa pagkamuhi, takdang pagpatay at pagbibili kay Jose sa mga Ismaelita upang gawing alipin. 

Hahamakin ng inggit ang lahat. Walang kapa-kapatid. Walang kadu-kadugo. 

Ngayong Panahon ng Kuwaresma, pagkakataon upang makapagpanibago, magawa sana nating maiwaksi ang inggit sa ating mga puso. Matuto tayong magalak sa paglago ng kapwa at maging mapagpasalamat sa kung ano ang sapat na meron tayo. 

Mga Pagbasa para sa Araw ng
Biyernes, March 13
2nd Week, Lenten Season

Genesis 37:3-4,12-13,17-28
Psalm 105
Matthew 21:33-43,45-46


📷Unsplash.Sergey.Zolkin
📝revjeffcoz

No comments:

Post a Comment