Panalangin at pagbati po ng isang maligyang kaarawan! All is well...in Jesus’ name.😇
Saturday, 29 February 2020
Happy Birthday, Fr. Simpol!
Panalangin at pagbati po ng isang maligyang kaarawan! All is well...in Jesus’ name.😇
Ang Ama Natin
Paano Ang Kapwa?
SCP Mansalay: Parish Pastoral Planning 2020
Mahal na Araw 2020: Paghahanda ng Parokya ng Mahal na Puso
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Mahal na Araw 2020, nagdaos ng pagpupulong ang pamunuan ng Sacred Heart Parish, Gloria.
Kasama ng Kura Paroko na si Fr. Bobby Villaluna at Rev. Jeff Coz, dalangin ng mga kabahagi ng PAPASCO at PAFINCO ang isang makabuluhan at banal na pagdiriwang ng mga Mahal na Araw.
Hapag Eukaristiya at Kabataan ng Hapag
Maging daan nawa ito upang higit na mapag-alab ang pananabik ng mga Kabataan ng Hapag sa Eukaristiya.
Anak Tayo ng Diyos
Magbalik-loob
“Hindi ako pumarito para tawagin ang mga mabubuti kundi ang mga makasalanan tungo sa pagbabalik-loob.” (Luke 5:32)
Thursday, 27 February 2020
Pusong Natatakam Magmahal
Wednesday, 26 February 2020
Pag-ibig, Pakikinig, Katapatan
Tuesday, 25 February 2020
Sabi ni Hesus: Back, Pri!
“Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo’y mag-ayuno, manangis at magdalamhati.” (Joel 2:12)
Monday, 24 February 2020
Hapi na, 50 pa!
Isang Hakbang Papalapit
“Lumapit kayo sa Diyos at lalapitan niya kayo.” (James 4:8)
Kumusta ang ating ugnayan kay Hesus? Higit ba tayong napapalapit sa Kanya? O sa kabila ng mga himalang ginagawa Niya sa ating buhay ay nakabibitaw pa rin tayo at nawawalay sa Kanyang presensya?
Nakakadala man kung ating pakakaisipin ang nagagawa nating pagtalikod sa Kanya, hindi pa rin tayo nililimot ng Diyos. Tulad ng ginawa niya sa mga alagad, patuloy pa rin Niya tayong tatanggapin at tuturuan ng paulit-ulit upang huwag mawalay sa Kanya.
Isang HAKBANG lang papalapit sa Kanya ang ngayon ay hinihingi Niya. At may katiyakang magiliw at paTAKBO na Niya tayong sasalubungin.
Mga Pagbasa para sa Araw ng
Martes, February 25
7th Week, Ordinary Time
James 4:1-10
Psalm 55
Mark 9:30-37
📷Unsplash|LucasBornhauser
📝revjeffcoz
Miyerkules ng Abo
Miyerkules ng Abo na naman. Ito ang hudyat ng pasimula ng Panahon ng Kuwaresma — ang apatnapung araw at gabi ng pagpapanibago ng sarili kalakip ng paghahanda para sa pagsapit ng ating maluwalhating pagdiriwang ng Misteryo Paschal o and dakilang paggunita sa pagpapakasakit, kamatayan at tagumpay ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na tanda ng ating kaligtasan. Dahil unang araw ito ng Kuwaresma, sana simulan natin ng tama ang panimulang araw na ito.
Ikalawa, sa araw na ito ang lahat nang nasa edad 18 hanggang 60 ay nararapat na mag-ayuno. Inaasahan din ang hindi pagkain ng karne sa araw na ito. Bakit? #Tiis-Alay. [1] Bahagi ng pag-aayuno ang pagtiTIIS — nagtitiis bilang bahagi ng pagtitika, pagsisisi at pagbabalik-loob; nagtitiis bilang pakikibahagi rin sa paghihirap ni Kristo. [2] At dahilan rin ng pag-aayuno ang pag-aALAY. Ang ating tiniis ay may kinauukulang pag-aalayan. Kaya ang halaga sana nating hindi nagastos sa pagkain ay magamit natin sa pagtapong at pagtulong sa mga higit na nangangailangan. Kulang ang sakripisyo kung walang paghahandugan. Kapos ang pagkakaloob kung walang nadama at naranasang pagtitiis sa kalooban.
Sunday, 23 February 2020
Mananalig at Patuloy na Kakapit
Kakayanin ba natin? Malalampasan pa kaya ang malalaking suliranin? Mapapagtagumpayan pa ba ang mabibigat na pasanin?
Saturday, 22 February 2020
SPCMA Youth Get Together
Hanggang Saan Mo Kayang Magmahal?
“Pinasisikat ng Diyos ang araw sa masasama at mabubuti, at pinapapatak Niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.” -Matthew 5:45
Hanggang saan mo kayang magmahal? Sinu-sino ang kaya mong ibigin at tanggapin? Namimili ba ang iyong puso at pilit nang nilalayuan at iniiwasan ang mga kinadalaan? At kung wala ng kapalit na bumabalik bagkus ang dumarating ay tanging hapdi at sakit, mangangahas ka pa rin bang umibig?
📷unsplash||NijwamSwargiary
Friday, 21 February 2020
Hinirang at Pinili
Makailang ulit na nating napakinggan ang loobin ng Diyos na sa Kanya tayo ay magpaakay. Subalit maliban dito, hangad rin Niya na ang bawat isa sa atin ay makapag-akay din ng kapwa — hindi lamang sa pamamagitan ng matatalinhagang payo at makabuluhang turo bagkus higit sa lahat ay sa pamamagitin ng mabuting halimbawa.
Thursday, 20 February 2020
KAISAHAN 2020
Drawing Ka Ba?
Wednesday, 19 February 2020
Paanyaya para sa Pagbisita ng Relic ni Padre Pio sa Padre Pio Mission Area, Malamig, Calapan City
Ang Tunay na Famous
Mga pagbasa at pagninilay para sa araw ng
Hindi Na Uulit
We unfortunate village dwellers must, through the power of Christ, put on the mind of Christ. And then we must live in a new town, the community of love and justice that is the Church. It is this city of vision that effectively challenges (and judges) the enduring power of the blinding society.
Happy Birthday, Fr. Ness
Sa Panahon ng Diyos
Mga pagbasa at pagninilay para sa araw ng
Miyerkules, February 19
6th Week, Ordinary Time
James 1:19-27
Psalm 15
Mark 8:22-26
“Tinanong ni Hesus ang lalaking bulag, ‘May nakikita ka na ba?’ Tumingin ang lalaki at sumagot, ‘Nakakakita po ako ng mga tao, ngunit para silang mga punongkahoy na naglalakad.’”
(Maikling Pagninilay)
Ang pagbabago at pagbabalik-loob ay biyaya ng Diyos. Kung aasa lamang tayo sa ating sariling kakayahan, palagi tayong kakapusin. Sapagkat lahat ay imposible kung hiwalay sa Diyos.
Subalit may mga pagkakataong napapatanong tayo, “Mukhang nahihirapan ang Diyos na baguhin ako? Tila natatagalan? Kaya pa ba Niya?”
Maaaring natatagalan ang panunumbalik ng ating mga paningin. Subalit alalahaning hindi ito nangangahulugang nangangayaw na sa atin ang Diyos. Nagkakaroon ng pagkaantala sapagkat unti-unti...mahinay...at maingat Niyang pinanauli ang minsan nang nalamatan nating orihinal na ganda.
Huwag kainipan ang sarili. Huwag mawawalan ng pag-asa sa Diyos. Magliliwanag rin ang paligid sa pusong hangad magpakabuti at nagtitiwala sa Diyos.