Wednesday 19 February 2020

Ang Tunay na Famous


Mga pagbasa at pagninilay para sa araw ng
Huwebes, February 20
6th Week, Ordinary Time

James 2:1-9
Psalm 34
Mark 8:27-33

“Habang sila’y naglalakbay, tinanong niya ang kanyang mga alagad, ‘Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin?’” -Mark 8:27

(Maikling Pagninilay)

Lumalalim ba ang ating pagkakakilala kay Hesus? At gaano natin Siya kinapapanabikan na higit na kilalanin?

Kapag may sikat na personalidad na dumadating sa ating ating lugar, tayo ay nakikiusisa...sumasagap ng impormasyon kung sino ba ito. 

Si Hesus ay higit pa sa mga personalidad na ito. Siya ang tunay na #FAMOUS. Sana ay higit ang pagkakakilala natin sa Kanya. Stalker sana tayo Niya. Isinusuot sana natin ang brand niya. Masuyong tagasunod at kaibigan nawa tayo Niya. 

📷pinterest
✏️rev. jeff

No comments:

Post a Comment