"Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." (Leviticus 19:18)
[Isang gasgas na kwento] Nang halos lahat nga mga kabataan ay nakapaghayag na ng kanilang gusto paglaki at tumumbok sa iisang layunin -- ang tumulong sa kapwa -- isang bata ang naglakas loob magbahagi, "Gusto kong maging kapwa...para tiba-tiba."
"Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili."
Pero sa ngayon, tiba-tiba pa rin nga ba ang kapwa? Iniibig pa rin ba natin sila tulad ng ating pag-ibig sa ating sarili? O ang lahat ay natutuon na lang sa sarili at nagiging makasarili?
Nananahan si Hesus sa ating kapwa. Pagkakaitan ba natin Siya ng panahon, tulong at pagmamahal kung Siya ay nararamtan ng kahirapan, sakit, at pagkaulila?
Mga Pagbasa para sa Araw ng
Lunes, March 2
1st Week, Lenten Season
Leviticus 19:1-2,11-18
Psalm 19
Matthew 25:31-46
📷InternetPhoto
📝revjeffcoz
No comments:
Post a Comment