Thursday 27 February 2020

Pusong Natatakam Magmahal


"Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran?" (Isaiah 58:5)

Saan tayo dinadala ng ating pag-aayuno at masidhing pagtitimpi ng sarili? 

Kung ang pagtalima sa mga gampaning ito ay dahil lamang sa mga kadahilanang napapanahon at nauuso, kaluluguran ba ng Diyos ang pagkalam ng ating tiyan?

Sana ang ginagawa nating pagtitiis ay makapukaw sa ating mga puso upang magising sa tunay na pakiramdam ng mga kapatid nating higit na nanganagilangan. Hayaan nating ang ating mga puso ay siyang higit na manabik at tunay na maghanap ng pagkakataong magmahal.

Mga Pagbasa para sa Araw ng
Biyernes, February 28
Lenten Season

Isaias 59:1-9
Psalm 51
Matthew 9:14-15

📷Unsplash
📝revjeffcoz

No comments:

Post a Comment