Thursday 20 February 2020

Drawing Ka Ba?


Awit sa mga tropa mong “drawing.” Pero sana kapag usapin na nang bunga ng pananampalataya, dapat wala ng “drawing.” Dahil kapag tunay na nananalig, hindi drawing kapag umiibig!🤪

Patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.” -James 2:17

Kaya naman galaw-galaw din sana kapag may time.😝 Hindi sapat ang pananampalatayang basta lang nakanganga at nakatingala. Ito rin ang panawagan ni Hesus sa ating Ebanghelyo: sa sinumang nagnanais na sumunod, ibig ni Hesus makita ang pagkilos — [1] limutin ang sarili, [2] pasanin ang krus, at [3] sumunod sa Kanya. (See Mark 8:34)

Mga Pagbasa para sa Araw ng
Biyernes, February 21
6th Week, Ordinary Time

▪️James 2:14-24,26
▪️Psalm 112
▪️Mark 8:34-9:1



📷Unsplash
✏️Rev. Jeff Coz

No comments:

Post a Comment