Saturday, 22 February 2020

Hanggang Saan Mo Kayang Magmahal?


“Pinasisikat ng Diyos ang araw sa masasama at mabubuti, at pinapapatak Niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.” -Matthew 5:45

Hanggang saan mo kayang magmahal? Sinu-sino ang kaya mong ibigin at tanggapin? Namimili ba ang iyong puso at pilit nang nilalayuan at iniiwasan ang mga kinadalaan? At kung wala ng kapalit na bumabalik bagkus ang dumarating ay tanging hapdi at sakit, mangangahas ka pa rin bang umibig?

Tinuruan tayo ng Diyos na umibig upang lumago at mabatid sa sarili na kaya nating umigpaw sa pamantayan ng mundo. Binigyan tayo ng kakayahang magmahal upang — katulad ni Hesus — ay maipakitang kaya nating yakapin ang sinuman kahit na may kalakip na bigat ng krus. Masasaktan...mabibigo...at maaari ring walang matatamo subalit hindi hihinto ang pagtibok ng puso. 

Kung papaanong sa Krus ay ipinakita at ipinadama sa atin ni Hesus ang totoong pagmamahal — pag-ibig na walang pinipili at para sa lahat — sana all kaya rin nating tanggapin at pakamahalin. 

Mga Pagbasa para sa araw ng
Linggo, February 23
7th Week, Ordinary Time

Leviticus 19:1-2,17-18
Psalm 102
1 Corinthians 3:16-23
Matthew 5:38-48


📷unsplash||NijwamSwargiary
✏️RevJeffCoz



No comments:

Post a Comment