Sa March 6-8 ay mamalagi ang Relic ni San Padre Pio sa Padre Pio Mission Area, Brgy. Malamig, Calapan City. Ang relic ay magmumula sa National Shrine of Padre Pio, Sto. Tomas, Batangas. Inaanyayahan ang mga mananampalataya ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan at ang lahat ng nagnanais makibahagi sa tatlong araw na ito ng mga banal na gawain ng pananalangin, pagpapasalamat, at pagpapagaling.
Narito ang hanay ng mga banal na gawain sa nasabing tatlong araw na pamamalagi ng Relic ni Padre Pio:
March 6, BIYERNES
4:00 p.m. — Pagsalubong sa Calapan Pier
5:30 p.m. — Pagnonobena sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus
6:00 p.m. — Banal na Misa at Benerasyon
March 7, SABADO
8:00 a.m. — Pagdadasal ng Sto. Rosario
8:30 a.m. — Banal na Misa at Benerasyon
5:00 p.m. — Banal na Misa at Pagpapagaling
7:00 p.m. — Mga Panalangin ni Padre Pio
March 8, LINGGO
6:30 a.m. — Banal na Misa
8:30 a.m. — Banal na Misa
10:00 a.m. — Estasyon ng Krus at Benerasyon
2:00 p.m. — Banal na Misa ng Pamamaalam
3:30 p.m. — Paghahatid sa Calapan Pier
Para sa inyong mga katanungan, maaaring mag-text o tumawag sa 0918-924-6435.
Pagpalain po tayo ng Panginoon.😇
No comments:
Post a Comment