Thursday, 20 February 2020

KAISAHAN 2020

KAISAHAN Official Logo
Noong taong 2018, isinagawa sa Saint Augustine Major Seminary (SASMA), Tagaytay ang kauna-unahang KAISAHAN — ang pagsasama-sama ng mga Paring-Tagahubog at mga seminarista ng Saint Augustine Seminary (SAS), Saint Augustine House of Spirituality (SAHSpi) at SASMA — na naglalayong palalimin ang pagiging ISA at BUO ng seminaryo ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan. 

Sa taong ito, sa temang #OneInThree: One Call, One Goal, One Seminary, gaganapin ang ikalawang KAISAHAN gathering sa SAS simula February 21 hanggang Feb. 23.  

Layunin pa rin ng pagtitipon na palakasin ang diwa ng pagkakapatiran at pagiging pamilya ng mga Paring-Tagahubog at mga seminarista — ngayon sa tulong ng SPORTS. Itoy bahagi ng pagtugon sa panukala ng bagong Ratio Fundamentalis na nagsasabing: “Priests and seminarians should dedicate time to physical exercise and sports to attain the solid physical, psycho-affective and social maturity required of a pastor.”

Ipinaabot ng buong Apostoliko Bikaryato ng Calapan ang panalangin at suporta para sa ikapagtatagumpay ng pagtitipong ito. 

No comments:

Post a Comment