“Kung ikaw ang Anak ng Diyos!”
Sa Ebanghelyo ay makailang ulit itong binanggit ng diyablo nang tatlong beses niyang tuksuhin si Hesus.
“Kung ikaw ang Anak ng Diyos!”
Sa pagbabanggit nito ng diyablo ipinapakitang maging siya ay kumukilalang sa Hesus ay Diyos — ang pagkakaiba nga lamang ay pinili ng diyablong tumalikod sa Kanya.
“Kung ikaw ang Anak ng Diyos!”
Sa panahong ito ng Kuwaresma, apatnapung araw tayong maghahanda at magpapanibago ng sarili. Nalalapit na ang Pasko ng Pagkabuhay. Nalalapit na rin ang ating pagpapanariwa sa Binyag kung saan ay naituring tayo bilang mga anak ng Diyos.
“Kung ikaw ang anak ng Diyos!”
Maging maingat tayo sa panahong ito ng paghahanda at pagpapanibago ng sarili. And demonyo ay tila ahas na nakaambang upang tayo ay siluin. Magdo-double time siya.
“Kung ikaw ang anak ng Diyos!”
Subalit sa ating pagkatakot magtiwalang kaya nating gapiin ang tukso. Higit na makapangyarihan ang Diyos. Sa pusong nagbabalik-loob hindi magkukulang ang grasya ng pagpapanibagong kaloob.
Sapagkat tayo ay mga anak ng Diyos!
Mga Pagbasa para sa Araw ng
Linggo, March 1
1st Week, Lenten Season
Genesis 2:7-9,3:1-7
Psalm 51
Romans 5:12-19
Matthew 4:1-11
📷Unsplash
📝revjeffcoz
No comments:
Post a Comment